Thursday, May 1, 2008

The Pakarazzi vs the Mahabharazzi

Babala: ang blog a ito ay isinulat sa tagalog. Ang hindi makaintindi ay malamang hindi marunong mag tagalog dahil sila ay dayuhan, taga probinsya na hindi naman masyado nagsasalita ng taglog o mga conyo na kinalimutan na ang tagalog para mag tag-lish pero di naman maka buo ng isang matinong pangungusap na english. Sinadya ko it dahil ang aking tinutukoy ay hindi nakakaintindi nga tagalog, at maiintindihan lang niya ito pag pindbasa nya sa syota nyang pinay na malamang ay bulag dahil hindi ko alam kung ano ang nakita ng babae na yun sa kanya. hehehe

Hindi ako mayabang na tao (konti lang). Kaya naiinis ako pag may nakakausap ako na taong mayabang. Madalas sinasakyan ko nalang pero pag hindi ako makatiis gumagawa ako ng mga paraan para makabawi.

Sa opisina, meron kaming bagong empleyado, na Indian. Para lang malinaw, hindi ako galit sa mga bumbay o sa ano mang na nasyonalidad (tama ba ispeling nun?). Ang ayaw ko lang ay ang mga taong mayabang kahit pinoy 'man o dayuhan.

Itong bagong ka-opisina na ito, itago na natin sa pangalang "Mahabharazzi" ay madalas kong kakuwentuhan noon. Interesado kasi ako na malaman ang kung ano ano mang bagay sa bansa nila: kultura, relihiyon, kung ano ang uso, kung bakit sa lahat ng pelikula nila ay may kantahahn at sayawan, kahit na nakakatakot ang pelikula ay di nawawala ang mga lalaki at babae na kumekembot na parang gusto na nila mabali nang tuluyan ang mga balakang nila.

Sa tuwing nagkukwentuhan kami, madalas nya i-kompera ang mga bagay sa India dito sa 'Pinas

Kapag ang pinaguusapan ay pagkain:

Mahabharazzi: "mas masarap ang curry sa India, minsan magluluto ako papatikim ko sa inyo"

Kapag pinagusapan ay kape:

Mahabharazzi: "mas masarap ang kape sa India, magdadala ako papatikim ko sa inyo"

Kahit tsonki pinakgusapan namin:

Mahabarazzi: "mas malakas tsonki sa India, minsan tumira ako, ilang araw akong tulog. pag gising ko, hilo pa rin ako"

Sa loob ko lang . . . sinong gago naman ang gusto matulog ng ilang araw tapos gigising para lang makarandam ng hilo? Di ba?

Medyo nayabangan na ako at iniwasan ko na rin sya kasi baka hindi ka matiis saksakin no nalang sya ng kutsara, na sa tingin ko ay mas masakit kesa sa saksak ng kutsilyo dahil hindi ito matalim.

Marami akong narinig na istorya tunkol sa kayabangan ni Mahabarazzi at tinatawanan ko na lang. Napikon lang ako nung narinig ko ang kuwento na mababa tingin nya sa mga pinoy, Mabagal daw mag trabaho. Hindi katulad sa, alam nyo na, India. Buti nalang yung kausap nya na may lahing Indian din ay sinabi na hindi totoo yun at kaya sya nasa Malaysia at hindi sa India ay dahil ayaw nya katrabaho ang sarili nyang mga kababayan, dahil sa kanya, tamad daw at mahirap katrabaho ang kapwa nya Indian. Mabait ang kausap ni Mahabarazzi na Indian dahil sinabihan pa nya it na mag-ingles pag may kaharap na Pilipino para hindi sya mag-mukhang bastos.

Sa aking opinyon, kanya kanya lang talaga yan. May taong tamad, masipag, matalino at tanga saan mang parte ng mudo. Ang kinainisan ko ay masyado nyang minaliit ang Pilipino.

Isang araw ay napasama ako para mananghalian sa labas kila Mahabharazzi. Gusto nya kumain sa Mr. Kebab sa QC para makita nya ang lugar dahil gusto raw nya mag tayo ng negosyo dito. Dahil wala ako kasama mananghalian dahil kasama nya ang mga dabarkads ko ay sumama ako.

Pag dating namin doon, tama ang inyong hinala, di nya nagustuhan. Mainit daw, parang ordinaryo lang ang hitsura, at mas maganda ang mga kainan nila sa, alam nyo na, India. Binugahan ko nga ng usok ng yosi yung walanghiya.

Noong pipiliin na namin kung anong kakainin, pinaalala ng isang dabarkads na hindi puwede kumain ng karne si Mahabarazzi, at para na rin mas makatipid, kuha kami ng pagkain para sa lahat.

Aha! Hindi sya puwede kumain ng karne si kumag! Pagkakataon ko na 'to! Syempre pumili ako ng karne para hindi makatikim si Mahabharazzi. Bakit ba, may pambili naman ako. At kumuha pa ako ng Ox Brain para mas mainsulto sya.

Apat kami na kumain. Ako, si Mahabharazzi, si Dabarkads 1 at Dabarkads 2. Si Dabarkads 1 na nagpaala na di puwede kumain si Mahabharazzi ng karne ay pumili ng manok kapareho ni Mahabharazzi. Ako at si Dabarkads 2 na inis sa kumag ay pumili ng karne para hindi sya makatikkim. Nalaman ko lang nung pag balik sa opisina na pareho kami ng iniisip ni Dabaklads 2.

Nung dumating na ang pagkain, pinintahan kagad ni Mahabharazzi ang pagkain. Di daw masarap. Sana nga nag dala na lang ako ng lason at nilason ko yung walanghiya. Tinanong ni Mahabharazzi kung ang Ox Brain daw ay beef. Aba! may pagka-tanga pala itong madunong na ito. Di ba kapamilya ng mga baka ang Ox?

Eto na ang pagkakataon ng ko!

Bam!: " di ko alam e. Parang . . . hindi" na may kasamang ngiti.

Mahabharazzi: "oo nga . . . patikim a . . ." sabay kuha.

"Nakatikim ka na ba ng lamb brain? Mas masarap yun kesa dito"

Bam! "Talaga . . . di pa ko nakakatikim e. Sige, kuha ka pa." Iba na ngiti ko dito dahil alam ko, sa relihiyon nila, pag kumain sila ng karne ay mapupunta sila sa impyerno hehe.

Mga Ox sa Mumbai, India. Galing Mahabharazzi doon, bakit di nya alam kung ano ang Ox?

Ayos! Nakaganti na ko. Yari na kaluluwa nito (kung meron hehe)!

Simula noon ay di na nya ko masyado kinausap. Siguro nakahalata na ginago ko sya. Di kami nag papansinan sa elevator, pasilyo at kahit doon mismo sa lugar nya na parati ko pinupuntahan dahil andun yung mga dabarkads ko.

Minsan nagkasalubong kami sa pintuan sa opisina. Kailanan muna na ilagay and daliri sa isang makina para ma-record ang aming time-in. Nauna ako sa kanya at nakatingin sya sakin. Ang ginawa ko, kunwari kinamot ko ang loob ng ilong ko bago ko inilagay ang daliri ko sa makina. Di ko na sya nilingon kung ano ang reaksyon nya. Basta tuloy lang lakad ko habang napapatawa ako hehe.

Marami pa rin ako naririnig na kuwento hanggang ngayon tungkol sa kayabangan ni Mahabharazzi. Tinatawanan ko nalang.

Basta ako naka puntos na hehe

** Sa mga pilospo: ang mga sinabi ko at ni Mahabarazzi ay tinagalog ko nalang pero ingles ang ginagamit namin pag nag-uusap kami. Mabuti na ang malinaw dahil pilosopo din ako hehe :D

2 comments:

GARET said...

MABUHAY KA!!! Alam mo bang nung nasa US kami ayaw din ng mga Pinoy na katrabaho ang mga PANA (un ang tawag ng mga PInoy sa kanila..Para hindi nila alam na pinaguusapan sila). Dupang kaya mga yan sa work. Kapag may gusto silang malaman, magtatanong sa yo. Pero kapag ikaw may tanong ayaw magturo. Gusto nila kanila lang ang info. Kaya sila sila lang nagkakasundo, salabahe kasi sila. Maski mga kano, ayaw sa kanila.
Ako naman, may mga times na naiinis ako sa mga Chinese (sorry ha, hindi naman lahat.. sabi nga nila may lahi daw kami nun e... SHIET!!)
Nung college ako, puro chinese ang school namin, aba, may time na nun punta kami isang house, dapat daw magpanggap kami na may Chines blood kasi baka hindi kami papasukin..Anak ng...at bakit?! Isa pa, ayaw daw mga chinese magulang na mapunta sa Pinoy mga anak nila.. isa pang anak ng.. e di bumalik sila sa China kung ayaw nila mga Pinoy. Kasi baka daw kunin pinaghirapan nila.. (katas ng droga, pandaraya, pirated etc.) hehehe. hindi halatang inis no.. mararami pa yan.. kaya lang baka magmukhang blog na tong comment ko. hehehehe

BAM! said...

Talaga? Sipag-sipagan siguro. Na-kuwento nga sakin nas sabu daw ni Mahabarazzi na kaya mas mataas ang illiteracy rate sa bansa nila e kasi mas madaming tao . . . teka lang, percentage ang pinaguusapan hindi damim ng tao! ungas talaga! ayaw pa talo.

E mukha kang Chinese a!hehehe Kami rin may lahing Chinese e. May mga ganyan talaga. May mga kaibigan naman akong Chinese na mababait. Mga edukado kasi at hindi ganyan mag isip. Chinese na ganyan mag isip e mga old school na karamihan ay may ari ng mga hardware stores hehe (joke lang). Sila yung may mga negosyo na pamamana sa mga anak na sa totoo lang ay ayaw naman manahin nga mga anak nila kasi gusto nila nga ibang trabaho. Minsan nga hanggang highschool lang nila pinag aaral anak nila tapos sabak na sa negosyo. Wawa naman mga bata. Tapos pag laki ng mga batang yun, ganyan pareho na rin sila mag isip ng magulang nila . . .

Naku, yan tuloy, muntik na rin maging blog comment ko hehe.

Salamat pala may bag o na ako itatawag kay Mahabharazzi ... PANA! hehe