Showing posts with label haring solomon. Show all posts
Showing posts with label haring solomon. Show all posts

Tuesday, July 8, 2008

Haring Solomon

Galit ako sa mga Haring Solomon. Ito ang mga taong wala naman maiibubuga pero sobra ang yabang. Yung tipong kung umasta at pumorma akala mo napaka galing pero wala namang binatbat. Tamad at nakasalalay lang kung kani-kanino. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong ganito. Meron din naman akong mga kilalang mga taong mayayabang, pero kung titignan mo ay may karapatan naman silang mag-yabang. Ok lang sakin yun. Wag lang yung mayabang na wala naman dapat ipagyabang.

Ito ang mga katangian ng mga Haring Solomon:

1) Mayabang. Gusto laging bida.
2) Maporma. Mamahalin ang suot at mga gamit pero wala naman palang pambili ng pagkain.
3) Mapangabala. Laging nang-aabala nang ibang tao dahil sa mga pabor na hinihingi. Mahilig makibakas. Parang linta.
4) Batugan. Mahilig mag utos kahit kaya namang gawin nga sarili.
5) Bobo. Kung ano ano ang sinasabi pero di naman alam ang pinagsasabi.
6) Walang responsibilidad. Mag-dadahilan nga kahit na ano makaiwas lang sa responsibilidad.
8) Mataas ang tingin sa sarili, kahit na mababa ang tingin sa kanya ng lahat.
9) Duwag. Hindi lumalaban ng patas at laging pumapatol sa mas mahina sa kanya.Minsan ay nagtatago pa sa palda ng kanilang mga ina.
10) Mahina ang loob. Di marunong tumayo sa sariling paa. Laging umaasa sa iba.

Marami pag katangian ang mga Haring Solomon pero itong mga nilista ko ang madalas nating mapapansin. Di ko alam kung alam ng mga taong ito na ganito ang tingin sa kanila pero kung matino silang tao ay aayusin nila ang sarili nila.

Bato bato sa langit, ang tamaan, sya ang HARI.

(Ano kaya ang puwedeng itawag sa reyna ni Haring Solomon? Kung meron kayong suggestion, sabihin nyo lang. Hehe)

:-)