Thursday, January 29, 2009

sanayan lang yan

Tama talaga yung desisyon namin na lumipat na sa QC. Ngayon pa lang e sanay na kami sa bago naming tirahan. Sanay na kami sa lugar. Di na malayo ang tingin ko sa lugar namin. Sanay na kami sa MRT. Sanay na kami sa Trinoma. Sanay na kami sa SM North. Sanay na kami na magpunta sa Makati at Pasay galing sa lugar namin (medyo mahal lang pag taxi hehe). Ang di pa namin nagagawa ay ang mag fx or jeep mula sa lugar namin hanggang Trinoma. Papaano ba naman, para makasakay e dapat tumawid sa overpass. Medyo mahihirapan kasi medyo malaki na tyan ni Jan.

***********************

Nagulat kami kanina kung gaano kamura yung bill namin sa tubig. Doon kasi sa dati naming tinitirhan, around P400-P500 ang binabayaran namin. Yung bill namin ngayon, wala pang P100! Although syempre, di naman kami gumamit ng 1 full month kasi Dec 27 kami lumipat, pero sobrang mura ito considering we use the shower everyday at mayat'maya ang flush sa banyo hehe! Harang talaga dun sa condo! I could get used to this!

***********************

Bukas ay darating daw yung bagong yaya namin. Sana ok sya. Two weeks muna sya sa mga in-laws ko para makita kung ok sya,at para masanay na rin at makilala sya ni Sophie. Mahirap na. Kahit na ok yung yaya pero ayaw sa kanya ni Sophie di rin namin sya maiiwan sa kanya. Sana ok para wala nang problema. Makikita ko na rin si Sophie araw-araw!

:-)

7 comments:

Anonymous said...

sana nga ok yung yaya. :)

Hadassah said...

hambilis naman masanay sa bagong environment!

Chyng said...

Yung tubig, iba kasi bill pag NAWASA ang may hawak. Good job! ;)

Jules said...

sushal bilis masanay ah :D hehehe. padaan lang po :D

BAM! said...

JoshMarie :

Thanks! Sana nga! :-)

Buzzing Flowerpecker:

Hoho nga e! Pinilit talaga masanay hehe!

Chyng :

Yup! Nagulat nga kami sobrang mura compared sa dati. Pwede na ko mag lagay ng swimming pool! hehe

Summer:

Hehe! salamat sa pagdaan!

just another wife said...

sanayan lang talaga. ako dati before mag asawa, tumbling lang ako nasa office na ako, ngayon sa nova na ako at sa edsa central ako work. dati ayoko talaga, pero sanayan lang! thanks for visiting!

BAM! said...

Ivy :

Minsan talaga madaling masanay sa isang bagay. Lalo na pag kailangan hehe. Thanks for visiting! :-)