Haaay . . . Ang hirap talaga. Miss ko nanaman si Sophie. Dun nanaman sya sa mga lola ny this week. Talked to her today and I heard her say "lab you" na buo for the first time. The good news is, baka magkaroon na kami ng yaya by next week. The bad news is, she'll have to stay sa mga lola nya for at least two more weeks para makita kung ok yung yaya.
Sophie calls herself "ate" now. Parang alam na nya na may bago kaming baby na darating. Its good kasi at least at an early age, aware sya na magiging dalawa na sila. Excited na rin ako! I saw Jan's tummy kanina na gumagalaw. Parang inaalon. Makulit yung baby boy namin. Kinikiss din ni Sophie yung tummy ng mommy nya from time to time. Nagulat nga sya one time nung nakita nya gumalaw yugn baby sa tiyan ng mommy nya.
Parati ko sinasabi kay Sophie na "Anak, konting tiis nalang. Malapit ka na magkaroon ng bagong yaya. Dito ka na sa bahay uli matutulog." tuwing hinahatid namin sya sa in-laws ko. Sabi nang mother-in-law ko, madalas daw ako hanapin ni Sophie. "San si daddy?" ang laging tanong. Everytime na sinasabi ko na "Sophie, sleep ka muna kila lola, ha?" ang sagot nya "Ayaw koooo . . . dito lang ako sleep . . . tabi mommy . . .". Kung di ka maluha, ewan ko nalang.
Kagabi, ayaw matulog kasi alam nya na iiwan namin sya. Kaya tinabihan namin sya hanggang makatulog sya. Mahirap. Mahirap talaga.
Thankful na rin ako na may nag-aalaga sa kanya. Sana lang naiintindihan nya na kailangan namin gawin 'to pangsamantala.
Naku, magiging dalawan na babies ko. Baka pag nawalan kami uli nang yaya sa susunod e mapaiyak nalang ako araw-araw pag di ko sila kasama. Madrama? Siguro nga. Pero iba talaga pag parent ka na.
Haay . . .
:-)
6 comments:
Nakakatuwang magbasa ng ganito. coming from a father's point of view. Napaka-sweet. Napaka-spontaneous. Napaka-loving.
I wish it were the same on my case.
I hate my dad.
Ooppsss. Pareho ata kami ni Byron.
Nakakatuwa ngang basahin ang mga ganitong post ni Bam. Sad man ang feeling, pero hindi ba't ang sweet? kasi madalas, babae ang ganito towards sa mga anak nila.how i wish i had a dad like you.(:
and yea, nkakamiss kapag walang bata sa bahay. masaya kasi pag may bata eh.
Byron:
Thanks! I'm very open when it comes to talking about my kid.
Sad to read that you hate our dad though.
Me, I'm expecting that when my kids grow up, we won't see eye to eye in everything. I actually have the makings of a strict parent. I just hope that they understand that everything that I may or may not do is what I think is right for them.
I accept that I may not be always right. But I know that I'm doing things with the best intentions for my kids.
:-)
Jes:
Thanks! In my opinion, ganyan lahat ng dads. At least the dads that I know. Di lang nila napapakita. Even when I talk to my friends who are fathers too. Ganyan din sila. Medyo mas vocal lang ako. Some people find it hard to share what they feel. Believe me, I know some people na parang bato, pero sa loob nila, pag dating sa mga anak, malambot din.
:-)
A proud father.. Wow, may baby boy ka na pala kuya bam.. Congratz!
And sa magiging yaya nyo gudluck, hehe.. Sana nga okay sa alright yung makasama nyo, hirap nang makakuha ng mapagkakatiwalaan ngayon at marunong mag-alaga sa bata..
Such a loving father..and a family man..
Dylan: Thanks! Sana ok yung yaya :-)
oo nga, bihira lang ang isang vocal father. hehe. i somehow wished to experience that. kasi, pareho nga kami ni byron, ayaw ko sa dad ko. =|
Post a Comment