Wednesday, January 21, 2009

all aboard!

Meron nakapag tanong saakin kung meron akong balak magtrabaho abroad. Actually, matagal nang natatanong ito sakin. Madalas, tanong ito ng mga kaibigan ko na may balak o nag-tratrabaho na sa ibang bansa. Normal na tanong sa ating mga Pinoy ito. Dahil nga naman sa nagyayari sa ating bansa ngayon. Lalong lumalala.

Noong mga unang beses akong natanong nyan, ang sagot ko lagi ay "Wala. Mas gusto ko dito. Tutal, maayos naman ang trabaho ko. Tsaka naniniwala ako na gaganda rin ang lagay nang bansa natin." Idealistic pa ko nun. Ganyan siguro talaga pag bata pa. Naisip ko din na sayang lang naman kung ibang bansa pa makikinabang sakin. Baka puwede pa ko mag contribute kahit papaano. Gusto ko rin naman makarating sa ibang bansa, pero mas gusto ko na bakasyonista lang ako.

Lumipas ang mga taon at nagbago rin ang sagot ko: "Wala, ok pa naman ako dito. Di pa naman ako gutom e.". Sabagay, Maayos naman ang trabaho at nakikita ko naman na yung career path na nakikita ko sa sarili ko ay dinadaanan ko naman. Pero medyo nararamdaman ko na ang pag-lala ng situwasyon sa bansa.

Dumaan nanaman ang mga taon. At ngayon, eto na ang sagot ko: " Iniisip ko. Pero dapat kasama ko ang pamilya ko.". Sabi ko nga sa asawa ko, buti pa mga tao sa commercial ni GMA, "ramdam ang pag-asenso". Noong nagsimula ako magtrabaho, ang una kong suweldo ay P6,000 kada buwan (circa 1998). Malayo ang nararating nang suweldo ko nun. Ngayon na mas malaki na suweldo ko, parang isang kanto lang ang nararating.

Ganun na ba kalala ngayon at napapaisip ako nang ganito?

Napanood ko yung inagurasyon ni Obama kagabi at nakita ko na masaya ang mga Amerikano. Parang naniniwala sila na may pagbabagong darating sa bansa nila. Na magiging ok na lahat. At bakit naman hindi, mukha naman ok yung bagong presidente nila. Marami syang gustong patunayan kaya siguradong lahat ay gagawin nya para ununlad ang bansa nila.

Dito? Parang wala na. Napanood ko rin yung Fertilizer Scam kahapon. Umamin yung supplier na P150/bottle lang ang benta nya sa fertilizer, pero ang pinalabas ng mga tao sa gobyerno ay P600/bottle ang binayaran nila. Kakaiba talaga ang kapal ng mukha ng mga taong ito. Pakiramdam ko ako ang ninanakawan dahil tapat ako magbayad ng buwis. Pera ko ang kinikik-back nila. Pera natin.

Nakakainggit yung mga taong napanood ko sa CNN. Masaya sila. Sigurado silang may bagong pag-asa na darating. Samantalang saatin, walang mapagpilian kung sino ang puwede na iboto sa susunod na eleksyon. Wala tayong tiwala sa mga tao sa gobyerno, na kung umasta ay parang mga hari. Nakalimutan nila na taong bayan ang naglagay sa kanila sa puwesto.

Sana huwag nang mag-bago ang pananaw ko. Sana hindi maging "Meron. Kahit di ko muna kasama pamilya ko, magtratrabaho ako sa ibang bansa." ang sagot ko sa tanong na ito. Sa totoo, lang bilib ako sa mga pinoy na nag -hihirap sa ibang bansa para mapakain ang pamilya nila. Taas kamay ko sa kanila. TAAS KAMAY KO SA INYO. Bilib ako kasi hindi ko yata kayang iwan ang pamilya ko dito. Siguradong mahihirapan ako at wala pa sigurong tatlong araw ay pabalik na ko sa pinas. Ngayon pa nga lang na si Sophie ay nasa mga in-laws ko dahil walang yaya hirap na ko e, pano kaya kung nasa ibang bansa ako na di ko kasama asawa at mga anak ko?

Sana lang may epekto yung nangyari sa Amerika sa atin. Sana kahit papaano ay maambunan tayo ng pag-asa. Sana magising ang mga tao sa gobyerno at mag-karoon ng konsensya.

Sana di ko KAILANGANING umalis ng bansa.

:-)

7 comments:

2ngaw said...

Tama yan pre, hanggat maaari wag mong iwan pamilya mo, pwera na lang kung wala k nang mapakain sa pamilya mo...kung lumabas ka man ng pinas siguruhin mong walang isang taon kasama mo na sila sa ibang bansa man o sa pinas...

Napakahirap ng malayo sa pamilya, kahit sabihin mong sunod sa luho ang pamilya mo pag nasa abroad ka na, iba pa rin ung nakakasama mo sila...

Sana nga di na ako umalis ng pinas...

eMPi said...

oo nga... daming nag aalisan sa ating bansa dahil sa lumalala na mga pangyayari... sabi sa mga advertisement umaasenso daw tayo... pero bakit di natin na-feel ang pag aasenso... lintik na yan!!! hehehe

BAM! said...

Lord CM :

Thanks pre! Sana nga hindi. At sana makabalik ka rin sa pamilya mo, o kaya makasama mo sila dyan.

Marco:

Lintk talaga yung commercial na yan! kung di ko lang mahal yun TV ko, malamang nababato ko na yun tuwing napapanood ko sa tv hehe.

M A Y A said...

very true... kung ok naman ang buhay nyo dyan no need nang mag-abroad.

pero kung magkakaron ka nga ng opportunity to work or live abroad na pwede mong isama ang family mo, why not?!

tip: gusto mong mag-migrate (kayo) dito sa canada? 6-12 mths na lang daw ang processing now... unlike kami noon na inabot ng 4yrs!

said...

true, suwerte ng US ngayon dahil ramdam talaga nila yung hope na mababago sa kanila...naisip ko rin yun, kailan kaya natin mafifeel yun dito sa pinas.

ako rin, mas gusto ko dito. natanggap na sana ako na magmigrate pero nagdalawang isip ako at pinili na mag-stay na lang, sana di ko pagsisihan.

besides, pag nag-alisan na lahat ng tao dito pano na ang pinas di ba?

BAM! said...

Clare:

korek! sino pa maiiwan kung di yung mga ulupong na buwaya na nagpapahirap lalo sa bansa natin.

sana may magawa tayo para mabago ang lahat.

BAM! said...

Maya :

thanks for the tip! at least may alam na 'kong fall back hehehe! balita ko nga mas madali magpunta sa canada ngayon. problema lang, takot ako sa lamig e. sa baguio pa lang, nangingisay na ko hehe