Thursday, November 20, 2008

lipat bahay

Naghahanap na kami ng bagong apartment. Nakatanggap kami ng notice na hindi na kami i-rerenew ng aming tinitirhan na condo type apartment. Actually, matagal na namin iniisip na lumipat dahil medyo mahal ang renta namin. At dahil may mga binabayaran na kaming bahay na binili namin a few months ago, malaking tulong na rin ang pag-lipat sa mas murang apartment kasi biruin mo, nagbabayad na kami sa bahay na matitirhan palang namin pag dating ng May or June next year, nagbabayad pa kami ng renta na pagkalakilaki! Kung baga, dobol dead!

Anyway, di na rin ako na gulat na hindi kami na renew. Nagkaroon kasi ng pagkakataon na nakipag away ako sa office ng condo. Pinutulan kami ng kuryente at tubig dahil delayed daw kami magbayad. Una sa lahat, dalawang beses pa lang kami na delay sa tatlong taon naming tinira sa unit namin. Hindi naman sa dahil wala kaming pambayad, medyo sa mga pagkakataon na yun a busy kami pareho ni esmi, at di kami makakuha ng oras para makapag-bayad.

Nung araw na pinutlan kami, sakto na inutusan ko yung yaya namin na sya na ang magbayad. Ayaw ko kasi na sya ang magbayad dahil sasakay pa ng jeep para makarating sa opisina at baka mamaya ay madukutan pa sya, patay yung pambayad namin.

Dumating yung yaya namin sa office a few minutes after kami maputulan. Tinawagan ko sila para ma-reconnect kami. Ang sabi sakin, nakaalis na daw yung mag re-reconnect. Sabi ko " anong nakaalis na e kakaputol nyo lang?!". Medyo napikon ako dahil ang daming nakatambay na tao nila sa compound namin, at sa tingin ko kahit sino sa kanila ay puwede mag-switch on lang ng kuryente.

"Ang schedule po ng reconnection 5:30pm pa."

Hindot! No goli pa ko! Pano yan?

Bam!: "Ang dami nyong tao dito na puwede gumawa nyan. Di naman kailangan ng engineer para mag switch on lang di ba?"

Office Girl: "Hintayin nyo na lang po."

Bam!: " Hindi puwede na hanggang 5:30pm dahil may baby dito sa bahay, at baka kung ano mangyari sa kanya dahil mainit!"

Office Girl: " Hintayin nyo nalang kasi kasalanan mo naman na late kayo e."

Bam!: " Di ko naman sinabi na di ko kasalanan e. Di naman kada buwan late kami. 3 years na kami dito. Kahit tignan nyo pa record namin! TIGNAN MO RECORD NAMIN!!!"

Office Girl: " Hintayin nyo nalang 5:30pm." Nanginginig na boses na parang iiyak.

Bam!: "Hintayin!? HINTAYIN?! T****NA MO! HINTAYIN MO KO DYAN!!!"

Pinigilan ako ni esmi na mag punta. Nanginignig ako sa galit. Siguro, takot na takot yung mga tao tuwing may pumapasok sa opisina nila. Baka hinihintay nila ako dumating na may dalang baseball bat hehe. Pero inaamin ko na mali ako, at dapat mas mahinahon ko syang kinausap.

Dahil dito, di na rin ako nagulat sa sulat na natanggap namin. Ok lang. Talaga naman nagbabalak kami lumipat kahit na magbigay sila ng renewal e. At pagod na ko umakyat sa 4th floor. Wala kasing elevator.

Sa kabutihang palad, may mga nakita na kami sa internet na mga prospect na lugar na puwede lipatan. Pupuntahan namin this weekend. Sana ok. Malapit yung mga prospect namin sa binili namin property. Kaya gusto ko rin lumipat sa area na yun ay para masanay na rin kami na dun nakatira, total naman lilipat na rin kami sa area na yun next year.

Exciting din maghanap ng bagong tirahan. Sana lang may magustuhan kami sa mgapupuntahan namin.

Wish us luck!

:-)

8 comments:

Garetski said...

Office Girl: " Hintayin nyo nalang kasi kasalanan mo naman na late kayo e."

Kahit na sabihin nating may naging fault kayo dito, hindi pa rin nya dapat sinabi to. Haler! Kahit ako mag-irate ako nun noh! Ako pa. hehehe. Goodluck sana makakita agad kayo ng new apt. :)

titashi said...

Hay naku! Umalis na nga kayo jan sa tinitirhan nyo hay grabe naman si office gerlalu. good luck sa paghahanap ng bagong titirahan.

may tanon ng pala ako, nung bumili kayo ni Jan ng house pareho nyo ba nagamit yung pag-ibig nyo? or isa lang sa inyo ang pwede gumamit? kelangan ba pag-umattend ng seminar sa pag-ibig sure na kung anong property ang bibilin? pakisagot ang aking katanungan ha...salamat!

francis ko said...

good luck bam...parang nag anyong "bagyong bam" ka sa sandaling yun ah...hinay2 lang..

[vayie] said...

Eh kahit naman kasi ako, mag-iinit ng ulo diyan. Sige, lipat na lang kayo, mas practical na, less worries pa.

B said...

kuya francis: i will kill you!

you know why. >:)

Anonymous said...

naghahanap din ako ng bagong bahay. :)

Anonymous said...

at dahil bibigyan ako ng award, sisipsip este mag-ccomment ako.lolz

in fairness, natawa ko sa post mo khit sa kwento mo eh irritated ka. di pala, galit na galit na.
kukulo din ang dugo ko pag ganun pero di mo kontrolado ang sitwasyon kya mahirap talaga.

sa dami na naming natirhan bahay since birth ko na talagang di ko matandaan kung pang 15th nga talaga namin eh natuto na ang parents ko on "how to deal"...
best wishes po sa inyo.

makakahanap na kyo nyan ng mas maganda at yung hindi 4th flr na alang elevator!

BAM! said...

GARET : Oo nga. Wala silang basic customer service skills. Buti talaga sa phone ko kinausap. Kung harapan baka nasampal ko lang yun hehehe

TITASHI : Pag married pwede combined yung loan, sooo . . . . hehehe! Kailangan yung seminar for the loan. Nag seminar na kami.

FRANCIS : Bihira naman ako mapikon, pero pag na pikon ako as in pikon talaga. Medyo mild pa nga yun e hehehe

VAYIE : Korek!

BAM THE GREAT : thanks for visiting. Great talaga lahat ng Bam! hehe

JOSHMARIE : Pareho lang tayo hehe :)

DYLAN : Actually, nung sinusulat ko yung post, natatawa ako sa sarili ko. Galit lang ako nung specific incident na yun, pero nung sinusulat ko, di na. Oks na 'ko. :)