Wednesday, November 19, 2008

malamig ang simoooy ng hangin . . . .

Ilang araw nalang ay Disyembre na. Sigurado ako na nabalitaan nyo na rin na mahaba ang baksyon sa buwan na ito. Simula nanaman ng pag shopping ng mga regalo sa mga inaanak, pag plano ng mga party, pag hanap ng murang paputok na pang New Year at pag-kain ng bibingka at puto bumbong. Sa totoo lang, ito an pinaka nakakatad na buwan para mag trabaho. At bakit naman hindi, e sa kakaisip pa lang sa mga party na pupuntahan natin e tatamarin ka talaga hehe. Sa Enero nalang pro-problemahin kung magkano ang nagastos at malamang, tataas nanaman ang benta ng biogesic dahil sa dami ng taong sasakit ang ulo pag nag-compute na sila kung magkano ang nailabas na pera nung bakasyon hehe. Ang hirap din gumising sa umaga kasi ang sarap matulog dahil sa lamig ng panahon. Ngayon palang e sigurado rin ako na malaki na ang kinikita ng neozep dahil sa dami ng taong may sipon.

Kahit papaano ay lagi kaming may budget ni esmi na pang regalo pag pasko. Nagtatabi na kami at minsan, may mga taon na maaga palang bumibili na kami ng mga regalo. Isa sa mga target namin na bilhan ngayong taon ay ang Divisoria. Mura talaga ang mga binebenta dun. Beterano rin si Jan sa tawaran at minsan, ako na ang nahihiya sa mga nagbebenta hehe. May isang taon nga (pero medyo matagal na 'to) na lahat ng pinsan ko at mga inaanak at pamangkin (medyo marami yun ha), pati na rin mga kaopisina ay nabilhan ko ng regalo sa budget na P3,000! Di ko lang alam kung puwede pa ngayon yun, pero sigurado ako na mas makakamura kami sa Divisoria, pati na rin sa mga ibang tiangge sa pag bili ng mga regalo.

Ako naman, bale wala naman sakin kung may regalo sakin o wala. Ang importante, magkaroon ng panahon para magsama-sama ang mga kamag anak at kaibigan, para sabay sabay i-celebrate ang kapaskohan. Minsan lang sa isang taon tayo nagkakaroon ng pagkakataon para makita-kita uli. Sa tingin ko, habang tumatanda ay mas importante ang oras para mag sama-sama kesa sa ano mang regalo.

Naku, malapit na rin akong mawala sa kalendaryo sa Desyembre. Pero ok lang. Ganun talaga. Sa tingin ko naman ay nag-enjoy naman ako at dahil sa lumalaki kong pamilya (next year meron nanaman akong bago baby na mangungulit sa amin, tulad ng pangungulit ni Sophia ngayon), sigurado ako na mas magiging masaya at exciting ang mga susunod pang Disyembre.

:-)

4 comments:

Anonymous said...

excited na ako sa pagdating ng december. kahapon ko lang naramdaman na malapit na ang pasko. hehe. :)

[vayie] said...

Hay Bam. Nakita ko `nga na super dami ng holidays for next month. Pero balewala naman sa akin `yan kasi nga nasa call center ako eh. Pero, sige lang. Double pay na lang - no matter how babaw that may sound for you. Excited na rin ako sa Christmas bonus and 13th month pay. I've waited for that for a year.

Sabi ko naman sa iyo eh, don't feel bad about the fact na mawawala na tayo sa kalendaryo. We lived our life well naman so okay lang. It's not like we didn't go through 16, 18, 21, 25 and so on and just jumped to 32 kaagad. And sabi `nga ni Garet, nasa thermometer pa tayo. Long way to go, my friend! =)

eMPi said...

Oo nga... ang habang ng bakasyon... gusto ko umuwi sa Surigao kaso wala budget.. nakauwi na kasi ako last july... waaahhh asar! hehehe

M A Y A said...

sigh... dito malamig na rin ang simoy ng snow, pero walang simoy ng Pasko... kakamiss mag-Pasko sa Pinas!