Friday, December 5, 2008

moni oyat!

Sayang, di ako makakasama sa x-mas outing namin ngayon. My officemates are going to Subic today para sa x-mas party namin. Ganun talaga pag maraming inaasikaso. Yung pag lipat ng bahay, pag ayos ng mga gamit, check-up ni misis at kung ano ano pa.

Ok na rin siguro kasi umuwi yung isang barkada ko from Japan and we're planning to have a get together this Saturday. Kung kasama ako sa outing, malamang pagaod na ko sa Sabado at hindi makaksabay sa pag-inom sa barkada kong balik-bayan na parang balon din na bahay-alak.

Medyo matagal-tagal na rin kami na di nagkikita ng mga tropa ko'ng 'to. Si Deki ay kababata ko sa ParaƱaque. Kalaro sa basketball, kainuman, kasama sa ligawan, party, tugtog ng gitara sa kanto, yosimate, etc, etc. Naalala ko nung college pa kami, tuwing araw ng Linggo, umiinom kami sa gitna ng basketball court. Nagsisimula kami ng mga 9pm hanggang mga 1am. Gin ang iniinom namin nun. Chaser ang Sprite. Pulutan namin durog na Sky Flakes sa Century Tuna.

Tatlo kaming umiinom tuwing Linggo: Ako, si Deki at si Marte. Marami kaming barkada, pero tuwing Linggo, kami lang ang parating magkasama. Minsan yung iba sumasma pero madalas kaming tatlo lang. Madalas kami mag gitara at nagkakantahan pag nagiinuman kami sa basketball court. Madals din kaming mag kuwentuhan ng kung ano-ano: aliens, buhay ni Jose Rizal, chicks, mga banda, chicks, kanta, basketball, chicks, gimmick, chicks, buhay kolehyo, chicks at kung ano-ano pa.

Ang tagal na nun. Ngayon, hiwa-hiwalay na kami ng tirahan. Si Deki nasa Japan, Si Marte sa Cavite at ako naman sa Mandaluyong. Si Marte naman ay nakakasama ko paminsan-minsan pero si Deki, huli ko yata syang nakita mga 3 or 4 years ago. Wala nga sya dito sa Pilipinas nung kinsasal ako. Sa wakas, magiinuman uli kami, di nga lang sa basketball court , pero ang importante, magkakasama kami uli.

Kampay!

***********************

Babati muna ako: I'd like to thank Shai, a former officemate, for visiting my blog. Sabi ko sa'yo iblo-blog kita e. Hehe! Thanks for visiting!

:-)

5 comments:

MarcoPaolo said...

oyy... inuman... lolz

buzzing flowerpecker said...

hehe. reunion with kainuman friends. hehe. bonding time over alcohol na naman kayo.

BAM! said...

oo nga, tama kayo. buhay nanaman ang mga bahay alak namin hehehe

sej said...

haha! aus tlga makipag-inuman lalo na kapag kasama mo ung mga kaibigang antagal mong hindi nakasama. enjoi ur inuman time! hehe.

Mike Avenue said...

Pass!