Saturday, May 9, 2009

ayos na ang problema . . . sana

Salamat at nagbalik ka na. Alam kong medyo matagal ka nang may probema. Noong una ay hindi ko alam kung papaano nangyari ang problemang ito. Umuwi lang ako nang isang gabi at nikita kitang parnag bumbilya na humihina na ang ilaw. Nagulat ako. Pero di ko ito masyadong pinansin. Alam ko na sa tagal ng pinagsamahan natin, malalampasan mo it.

Marami-rami na rin naman tayong pinagdaanan. Ilang taon na rin ako natawa at naiyak na ikaw ang kasama ko. Ilang beses na rin akong nakaramdam ng galit at minsan naman ay takot nang dahil sa iyo. Madalas, pag kasama kita, para mo akong nililipad sa ibang mundo. Pag magkasama tayo, nawawala ang pagod ko at nakakalimutan ko ang mga problema ko.

Hindi ko pinansin ang mga nangyayari sa'yo. Hanggang sa isang gabi ay bigla kang nawala. Di ko alam kng ano ang gagawin ko. Pinilit ko na makita kita pero wala ring nangari. Pakiramdam ko ay wala nang pagasa.

Ilang araw ang lumipas, at ganito pa rin ang sitwasyon. Sa simula ay andyan ka pero unti-unti kang nawawala. At habang tumatagal, lalo ring tumatagal ang iyong pagkawala. Tila ba pabigat nang pabigat ang iyong mga problema. May mga pagkakataon na napagbuhatan kita ng kamay dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pasensya ka na. Kaya ko lang naman nagawa ito e dahil sa hindi ko alam kung anong problema mo.

Nahihirapan ako matulog sa gabi. Naririnig kita pero di kita makita. Di ako sanay na matulog nang wala ka. Ilang beses ko na ring naisip na palitan ka, dahil hindi mo na nabibigay yung mga pangangailangan ko, pero dahil sa matagal na tayong magkasama, parang hindi ko ito magawa. Sa aking puso ay alam kong may pagasa pa.

Kaninang umaga ay nagising ako na may kakaibang sigla. Naisip ko na ito na ang panahon para maayos ang lahat. Pumunta tayo sa isang lugar kung saan inaalagaan at inaayos ang mga katulad mo na may problema. Sa kabutihang palad, naging maganda ang desisyon ko na pumunta tayo dun. Binuksan ka at nakita nilinis ang lahat ng dumi at alikabok na naipon sa loob mo nang ilang taon. Ilang minuto lang ay nalaman na kung anong problema na dinadala mo...

Hininang lang yung mother board mo at medyo maluwang na raw yung mga connections. Kaya pala pag nanonood ako ay dumidilim bigla yung screen. Buti nalang hindi ung picture tube kung hindi e wala ka nang pagasa.

Hindi talaga ako sanay na matulog na walang TV. Kahit noon pa ay nanonood ako ako matulog. Buti nalang malapit lang yun shop na paayusan dito sa bahay. Natawa yung nagaayos nung sinabi ko minsan pinupupok kita para lumabas uli yung picture. Wala pang isang oras ay ayos na. Inabutan ko pa yung 4th qtr nang basketball game na pinapanood ko dun sa isang TV bago ako umalis.

Ang tindi rin ng lumang TV ko. Di sya branded pero 9 years na rin sya sakin. Ngayon lang sya nagkaroon ng sira.

2 months warranty.

Ayos no?

:)

5 comments:

Dear Hiraya said...

ang kulet!! naset na pa man din yung mood ko na emo post to! hahaha! nman! si TV lang pala! HAHAHA

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

EyMi said...

Hahaha! This is hilarious. Akala ko pa naman sobrang bigat ng problema mo. TV pala. =))

Jules said...

Haayyyyy naku fren,kala ko ano na tong problema mo.hahaha
TV lang pla,ayos din ha? Di sya branded pero tumagal sayo.Ano kayan klaseng kalinga binibigay moh?! hahaha. Hope to see more from you fren.=)

A Writers Den

Unknown said...

Aaaayyyyzzz...TV lang pala..Anoh ba?! Muntik nakoh maluha eh,hahaha
Ang cute ng post moh..;D

Travel and Living

Bart Tolina said...

may bago akong post! tingnan mo! bilis!