Monday, March 30, 2009

so excited

Ang aga ko nagising today. 6 a.m. nakadilat na ko. Usually, kahit puyat na puyat ako, 7 a.m. impunto gising na ko. Bihira ako magising ng ganito kaaga. Isang factor siguro ng pag gising ko ng maagga ay dahil malikot nanaman matulog si Sophie. Yung binili namin na sofa bed ay nasa baba at ginagamig ng sister-in-law ko na natulog dito kagabi kaya katabi ko nanaman ang makulit kong baby girl sa pag-tulog. Isang reason pa siguro ay excited ako.

Excited saan?

Pupunta kami sa hospital today para i-check-in si Jan. Oo. Manganganak na sya. CS sya kaya pwede i-sched. Tomorrow morning sched nya. Yung pinsan ko'ng doctor sa Madocs (Manila Doctors) isang linggo ko kinukulit para kumuha ng room. Hanggang kahapon kinukulit ko sya. Ang parating sagot nya sakin "Masyadong maaga pa magpa-reserve. Anong akala mo sa hospital, hotel?" hehehe. E excited nga ako e. Anyway, this morning daw nya kami kukuha ng room, at sana lang may ma-reserve kaagad.

Excited na kaming lahat. Pati si Sophie. Kini-kiss nya tummy ng mommy nya every now and then.

Bam! : "Sophie, good girl ka ha. Good ate ka sa baby ha?

Sophie: "Opo!"

Bam!: "Sophie, love mo si baby ha?"

Sophie: "Opo!"

Bam!: "Sophie, share your car-car witht the baby ha?"

Sophie: " Ehhh Daaaddyyy . . . kay Sophie yun e!"

Hehehe, nag-react kagad!

:-)