Tuesday, March 17, 2009

Ahmm Baaaaack!!

Sobrang daming kuwento! Medyo matagal dina akong nawala. At dahil sa pangangalampag ng ibang mga ka-blog na na miss ako (medyo konti lang hehe), heto ako at nagbabalik! Nabasa nyo naman sa mga huling post ko na medyo busy-busyhan ako sa mga panahon na ito. Asamateropak, nasa opisina ako ngayon at nagtratrabaho habang sinusulat ko'to. Sana lang huwag silipin ng HR namin ang gianagawa ko ngayon hehehe!

Hindi magkakasya sa post na ito ang mga kuwento ko, kaya simula ngayon, pipilitin ko na araw-arawin ang pag-aaliw sa sarili ko at sa inyo sa pamamagitan ng blog na ito hehe. Kailangan ko lang mag paalam uli ngayon kasi may deadline ako na hinahabol at ayaw ko na umikot uli ang tumbong ko sa trabaho.

Babalik ako mamaya . . . pramis!

:-)

No comments: