Tuesday, June 1, 2010

Panahon

Hunyo na. Ang bilis. Parang kahapon lang e nagaayos kami ng mga gamit para lumipat ng bahay. Parang kahapon lang e birthday ni Sophie. Parang kahapon lang ay gumagapang pa lang si Sam. Ang bilis talaga ng panahon. Minsan, pakiramdam ko ay baka ako maiwan.

Minsan, marami pa kaming gustong gawin pero hindi kami makahanap ng oras. Siguro, maganda na rin na maaga ako gumigising ngayon. Maaga rin gumising si Sam kaya may oras kaming mag laro sa umaga. Si Sophie naman, medy tanghali na gumigising kaya madalas, sa gabi nakami nakakapag-laro . . . kung hindi pa sya tulog.

Bilang magulang, ayaw kong lumaki ang mga anak na parang biglaan. Bawat minuto ay importante. Bawat oras na kasama namin sila ay mahalaga. Gusto namin na kapag Sabado at Linggo ay magkakasama kami. Kahit sa bahay lang. Kahit hindi kami lumabas. Ang importante, sama-sama.

Kaya minsan, nalulungkot ako pag nakakarining ako ng mga kuwentong, masadong “busy” ang magulang at walang oras sa mga anak. Lalo na siguro nag mga nagtratrabaho sa gabi. Taliwas ang oras sa ordinaryong gising ng mga anak nila. Malamang, hinahanap-hanap ng mga anak ang mga magulang nila na sa sobrang pagod, ay walang magawa kung hindi magpahinga nalang tuwing weekend. Kaya naman noong may mga offer sakin na trabaho na may pasok ang Sabado, hindi matanggap ang mga ito. Ang panahon ay mahalaga. Ang oras para sa mga anak ay mas-importante.

Totoo na minsan, hahanapin mo rin ang panahon para sa sarili mo. Nakakaranas din kami noon. Pero pag mag-isa ka na na paikot-ikot sa mall at makakita ng ga aruan o damit na pang-bata, bigla mong maaalala yung mga anak mo at mag-mamadali ka nang umuwi.

Ang dali pa namang patuwain ang mga anak ko. Isang balot ng biscuit lang para kay Sam at Yakult lang kay Sophie, makikita mo na silang ngumiti at tumawa na parabang naigyan mo sila ng napaka-mahal na laruan. Minsan, sinasabihan ko lang si Sophie na “ikaw baby girl ni Daddy” ay hanggang tenga na ang ngiti nya. Si Sam naman, sa konting laro lang , parang hindi na mauubusan ng tawa.

Hunyo na at lalo pang bibilis ang panahon. Hunyo pa lang pero iniisip ko na na malapit na ang pasko. Naglalakad na si Sam. Sumasabay na sya sa sayaw ni Barney. Mahilig na mag make-up at lipstick si Sophie. Sa isang taon ay magaaral na sya. Kahit na gaano ka-pagod, kahit na minsan ay kapos sa oras, pipilitin naming mag-aswa na sumbay sa panahon.


:-)

www.thepakarazzi.blogspot.com