Monday, October 26, 2009

Eto na . . .

Medyo matagal-tagal na rin akong di nakakapag sulat dito a. Madami na rin ang nangyari. Marami nanamang kuwento. Wala nga lang masyadong oras. Minsan, feeling ko, di ako gaano inspirado mag sulat. Ikaw ba naman, magparang isang malaking routine ang buhay mo. Di ka ba mawalan ng gana? Kung baga, kung araw-araw adobo ulam mo, di ka ba maghahanap ng nilaga?

Alam ko ganito rin ang problem ni misis. Masayado na rin syang babad sa trabaho. Minsan napag-uusapan namin. Minsan, na-mimiss namin ang pag punta sa beach. Madala kami umalis noon, biglaan nalang kami pupunta sa Puerto Galera, pagakatapos gumimick.

Wala lang. Trip lang.

Parang ang hirap na nyang gawin ngayon.

******************

Malapit na mag November. Ilang buwan nakang ay bagong taon na. Maramipang mangyayari. Marami pang kaguluhan, kasiyahan at kung ano ano pa. Sa totoo lang, excited kaming mag-asawa kasi malapit na kami lumipat sa bagong tirahan namin. Inaasikaso na namin ang mga detalye sa pag-lipat tulad ng mga finishing sa bahay, design sa bakod, tubig kureynte, at pati na rin sa pagg-tingin ng mga bagon furniture (tinignin lang hehe) na pwedeng bumagay sa bahay. Excited na rin si Sophie. Si Sam naman ay walang ka-malay-malay hehe.

Siguro, dahil sa sobrang bilis at dami ng mga pangyayari, di ko na alam kung ano ang isusulat ko dito. Isipin ny naman, same time last year, sa Mandaluyong pa kami nakatira at iniisip namin kung pano ang magiging takbo ng buhay namin sa Quezon City. Same time last year, buntis palang si misis ka Sam at pinagpaplanuhan namin ang 2nd bday party ni Sophie (sa January). Same time last year, naghahabol pa rin kami sa quota (at naghahabol pa rin ngayon hehehe).

******************

Nung Friday, napagtripan namin ni esmi na mag dinner sa isang resto na malapit sa opisina nya. Uminom kami ng konti at nakapag kwentuhan ng kung ano-ano, kasama na rin ang kuwentuhan tunkol sa trabaho. Pagkatapos ng dalawang boteng Redhorse (sa akin), isang San Mig Light at Margarita (kay esmi) nag decide na kami umuwi. Hindi dahil sa lasing na kami (di pa masyadong nakalampag yung bahay alak namin), pero dahil sa sarap ng kuwentuhan, di namin naramdaman na 1 am na pala.

Pag-uwi namin, tulog na ang mga bata. Nagising si Sophie sandali pero natulog na rin kasabay namin.


******************

Ano mangyayari same time next year? Sana:

1) Pagod pa rin kami sa trabaho pero mas may oras na kami sa mga sarili namin
2) Pinagppalanuhan na namin ang 4th bday celebration ni Sophie
3) Tumatakbo at nangdadaldal na si Sam
4) May oras na kami mag bakasyon o mag punta sa beach kasama ang mga bubwit
5) Matuloy lahat o karamihan sa mga plano namin para sa pamilya at patuloy kaming maging healthy


Yun lang.


:-)

1 comment:

MrsMartinez | xoxoMrsMartinez.com said...

hello sana lahat ng wish mo matupad! enjoy the holidays!