Pasesnsya na kung di ako masyadong nakakapag blog. Medyo busy ako, actually, kami ni Jan preparing for our transfer to our new home. Sa totoo lang, medyo masakit sa ulo sya asikasuhin. Dumating na nga sa point na tinananong namin sa sarili namin: "Sino ba kasi ang nagsabi na bumili tayo ng bahay??".
Pero exciting din naman. Sa ngayon, nagpapagawa na kami ng mga cabinets and hopefully by Saturday or Sunday makapag-move in na kami. Hindi biro ang ganitong project. Pati sa karpentero nagkakaproblema kami. Pero ok lang. I'm sure everything will turn out fine. In the following weeks, kung may budget na, baka magpa-garahe na kami and mag pa-landscape (Bermuda grass lang hehe). Medyo mahal din kasi kaya mahirap pagsabayin. Pero ok lang, ganyan talaga pag nagsisimula. Ika nga nila, "Rome wasn't built in one day".
Nag-papack na rin kami ng mga gamit namin. Yung iba nakakahon na. Yung iba inaayos palang. At yung iba, di namin alam kung itatapon na o i-bebenta hehe. Grabe, totoo na lalabas lahat ng basura pag naglipat ng bahay.Ang dami ko na ngang biniling black bags kasi alam ko na marami na rin kaming itatapon. Problema lang, pag nakita ni Sophie yung mga gamit at nagustuhan nya, nilalabas nya ito sa box tapos sasabihin nya: "this is mine!" hehe.
Anyway, I'll post the pics of our new home as soon as we move in.
Na miss ko mag blog. Enjoy the rest of the week!
:-)